Una po, malinaw sa DOLE Labor Advisory No. 18, Series of 2020 na lahat ng costs para sa pagpigil ng pagkalat ng Covid-19 sa workplace (kasama ang testing) ay dapat sa employer. Pangalawa, nakasaad naman sa DTI and DOLE Interim Guidelines on Workplace Prevention and Control of Covid-19 na may mga obligasyon ang employer, ngunit wala naman itong karapatang i-detain ang mga empleyado. Pangatlo, ukol naman sa sweldo sa panahon ng quarantine, depende na sa policies ng employer, na dapat ayon sa minimum requirements ng Labor Code. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makita ang mga issuance ng DOLE kaugnay ng Covid-19 sa https://www.dole.gov.ph/covid-19-mitigating-measures.
Para i-reklamo ito, maaaring tumawag sa DOLE 24/7 Hotline sa numerong 1349. Maaari ring ma-contact ang mga lokal na DOLE office sa sumusunod na link: http://ble.dole.gov.ph/index.php/contactusmenu/115-dole-regional-offices.