Ang plea bargaining para sa drug cases ay hindi suspendido at patuloy na ipinapatupad. Ayon sa desisyon ng Supreme Court sa Estipona, Jr. v. Lobrigo (G.R. No. 226679, August 15, 2017), unconstitutional at walang bisa ang Section 23 ng R.A. No. 9165 na ipinagbabawal ang plea bargaining para sa drug cases. Maaaring sumangguni sa A.M. No. 18-03-16-SC o ang Adoption of the Plea Bargaining Framework in Drug Cases para sa karagdagang patnubay: https://oca.judiciary.gov.ph/wp-content/uploads/2018/05/OCA-Circular-No.-90-2018.pdf
Maaari rin ninyong tignan ang Department Circular No. 18, S. 2022 ng Department of Justice tungkol sa applicable na posibleng plea bargaining depende sa kasong sinampa sa akusado. Pwede itong makita sa sumusunod na link: https://www.doj.gov.ph/files/2022/DC/DC%2018_S_2022.pdf