Ayon sa PD 968 or Probation Law, ang probation is a disposition under which a defendant, after conviction and sentence, is released subject to conditions imposed by the court and to the supervision of a probation officer. Ibig sabihin po, matapos mahatulan ang isang akusado ng guilty at masentensiyahan bilang isang convicted criminal, kung siya ay qualified sa probation, siya ay papayagang makalaya pero subject sa ilang conditions na ibibigay ng korte at isasailalim siya sa supervision ng isang probation officer.
Ayon naman sa batas, as amended by RA 10707, ang mga sumusunod ay disqualified na mapailalim sa probation:
a. sentenced to serve a maximum term of imprisonment of more than six (6) years;
b. convicted of any crime against the national security;
c. who have previously been convicted by final judgment of an offense punished by imprisonment of more than six (6) months and one (1) day and/or a fine of more than one thousand pesos (P1,000.00);
d. who have been once on probation under the provisions of this Decree; and
e. who are already serving sentence at the time the substantive provisions of this Decree became applicable pursuant to Section 33 hereof.
Usually ang taong nakaprobation ay required magreport sa probation officer niya maaaring kada linggo or buwan or dalawang linggo depende nga sa order ng korte. Ang iba naman ay binibigyan ng iba pang kundisyon kagaya ng community service na kailangan gawin ng convict na nakaprobation.
Hindi nakukulong ang taong nakaprobation unless hindi siya sumunod sa mga terms and conditions na pinataw para sa kanyang probation. In general naman po, kasama sa terms ay ang pag maintain ng good behavior habang malaya at magrereport sa isang probation officer sa specific na dates or periods.
Pinapaalala na ang sentensiyang kulong ay considered suspended lamang at kung maviolate ang terms ng probation ay mag-issue ng warrant of arrest ang korte at ipapakulong ang convict ayon na rin sa original na sentensiyang kulong.