In general, ang utang ng isang tao ay hindi namamana ng kanyang mga tagapagmana. Gayunpaman, pwede itong singilin ng pinagkautangan sa estate ng yumao.
Ibig pong sabihin nito, kung may naiwang properties ang yumao, una munang babayaran ang mga utang nito at ang matitira lamang ang siyang paghahatian ng kanyang mga tagapagmana, kung meron.
Kung sakaling nakapagdistribute na ng properties ang mga tagapagmana, pwede naman silang singilin sa extent lamang na macocover ang utang na naiwan ng yumao.
Mainam din pong tandaan na kung kulang ang properties ng yumao ay hindi na pwedeng singilin pa ang balanse at limited na lamang talaga ito sa mga naiwan ng yumao.