Opo. Ayon sa Article 774 ng ating Civil Code, ang nakuhuha ng tagapagmana ay hindi lang mga property na naiwan ng pumanaw, pero pati rin ang mga obligasyon nito, Kasama dito ang mga utang.
Ayon sa batas:
“Succession is a mode of acquisition by virtue of which the property, rights and obligations to the extent of the value of the inheritance, of a person are transmitted through his death to another or others either by his will or by operation of law.”
Article 774 ng ating Civil Code
Habang may obligasyong bayaran ang utang, ito ay ‘di kailanman lalampas sa naiwang pera at property ng pumanaw.
Ibig sabihin, ang pambayad sa utang ay kukunin lang mula sa estate (o naiwang ari-arian ng pumanaw), hindi mula sa personal na pag-aari ng tagapagmana.
Para ma-determina ang angkop na kabayaran sa utang, depende sa sitwasyon, kailangang dumaan sa proseso ng judicial Settlement of Estate .
Ang kasong ito ay ipa-file sa Regional Trial Court kung saan nakatira ang pumanaw.
Sa kasong ito, susuriin ang lahat ng pagmamay-ari ng pumanaw, ang mga utang at gastusin na sisingilin mula dito, at ang tamang paghahati ng natitirang mana sa pagitan ng mga naiwang kamag-anak.