Hindi po. Hindi authorized na paraan ng pagsend ng notice ng korte ang text message. Ayon sa Rules of Court, kailangan ang mga ganitong notice ay ipadala through written notice. Maaaring dalhin mismo ng process server ng korte sa inyong bahay, or di kaya naman ay through registered mail o post office, o di kaya naman ay ang inyong email.
Para makasiguro kung talagang galing sa korte ang notice, maaari kayong sumangguni sa mismong branch ng korte na nabanggit sa text message. Maaaring makita sa susunod na link ang contact numbers ng mga korte:
Mas maigi rin pong dumulog agad sa isang abogado kung makatanggap ng notice di-umano mula sa korte. Pwede kayong lumapit sa Integrated Bar of the Philippines. Ang lokal na chapters sa inyong lokasyon ay maaring makita sa link na ito: