Ayon sa Civil Code, mayroong easement of right of way kung ang isang lupa ay napapaligiran ng lupang pagmamay-ari ng iba, at kinakailangan ng kalsadang dumaraan sa lupa ng iba para makalabas ang may-ari ng lupa sa gitna mula sa sa lupang iyon patungo sa highway o kalsada.
Ang kalsadang ito ay dapat pinaka-maikili at pinaka-hindi nakasasagabal sa may-ari ng lupang nakapalibot. Wala itong standard na width o lapad. Kailangan ring bayaran ang may-ari para sa ng paggamit ng nasabing kalsada, maliban pa sa danyos para sa anumang pinsalang maaaring maranasan ng may-ari ng lupa. Bukod dito, kailangan ring maging responsable ang may-ari ng lupang napaligiran para sa pagpapayos nito at sa pagbabayad ng angkop na buwis (halimbawa, ng real property tax).
Maaari itong pag-usapan ng mga may-ari ng lupa. Maaaring hilingin ang tulong ng Lupon ng lugar na may sakop sa lupa para may mangasiwa ng inyong paguusap. Kung may mapagkasunduan, mabuti kung ito ay ilalagay sa isang kasulatan at ipapanotaryo at saka nga ipa-annotate sa title lng lupa.
Kung tuluyang hindi magkasundo, magpaissue ng Certificate to File Action at maaaring mag-sampa ng kaukulang kaso o petisyon sa korte para mapilitan na pormal na kilalanin ang right of way at ipa-annotate ito sa titulo ng may-ari ng lupang nakapalibot. Pwede rin humiling na bayaran ng danyos para sa perwisyong ginawa.
Kapag na-award na ang right of way, dapat ay siguruhing ma-annotate ito sa titulo ng lupa na magbibigay ng right of way.