Alam niyo ba? Sa Section 240 ng Omnibus Election Code, kung ang botohan ay mag-resulta sa isang tie — ang pagdekalara ng panalo, pwedeng by “drawing of lots”!
At magugulat kayo- ang sitwasyong ito ay nangyari na maraming beses!
Noong 2013, sa eleksyon para sa Mayor ng San Teodoro, Oriental Mindoro- dalawang kandidato ang nakakuha ng 3,236 votes- at tumaya sa barya. At ang nanalo sa coin-toss- itinuring na panalo rin sa eleksyon!
Noong 2016- sa mayoral race sa Bocaue, Bulacan, parehong 16,694 votes ang nakuha ng dalawang kandidato, at coin-toss rin ang ginamit para i-settle ang tie.
Noong 2018 Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Cebu, pitong (7) posisyon ang nag-tie at dinecide gamit ang coin toss.
Kamakailan lang noong 2019 sa Araceli, Palawan- dalawang kandidato rin sa pagka-Mayor ang nag-tie with 3,495 votes- at coin-toss rin ang ginawa pumili ng proklamadong Mayor.
Sa mga sitwasyong ito, nakikita natin na napaka-importante ng bawat eleksyon- at ang kapangyarihan ng bawat boto.
Pumili ng public officials na deserving ng ating tiwala at tunay ang kagustuhang magbigay-serbisyo sa publiko.