Ang magsasakang umuupa ay hindi basta-basta pwedeng paalisin!
Ang ugnayang ito ay tinatawag na “agricultural leasehold relationship”, at may karapatan dito ang mga magsasaka.
Sa batas, kinikilala ang kanilang “Security of Tenure”- ibig sabihin, ang magsasakang umuupa ay hindi basta-basta pwedeng paalisin.
Ayon pa sa Section 9 ng Agricultural Land Reform Code o R.A. 3844:
“In case of death or permanent incapacity of the agricultural lessor, the leasehold shall bind his legal heirs.”
Section 9 of RA 3844
Ibig sabihin, kahit namatay na ang landlord, dapat respetuhin ng kanyang mga tagapagmana ang karapatan ng magsasaka sa agricultural leasehold.
Sa Section 10 naman, hindi rin mawawala ang karapatan kahit pa ibenta ng may-ari ang lupa, at ang binentahan ay kailangang respetuhin ang security of tenure ng tenant.
Pwede lang paalisin ang magsasakang tenant sa mga sumusunod na sitwasyon, at base sa pinal na desisyon ng korte:
- a. Kung i-coconvert ang lupa sa residential, commercial, industrial;
- b. Kung ang tenant ay lumabag sa terms and conditions ng kasunduan sa owner;
- c. Kung ginamit ang lupa sa layuning labag sa kasunduan;
- d. Kung ang tenant ay mabigong sundin ang proven farm practices na kailangan sa pag-aalaga ng lupa;
- e. Kung dahil sa kakulangan ng tenant ay napinsala ang lupa;
- f. Kung ang tenant ay hindi nagbayad ng angkop na renta;
- g. Kung pinarenta ng tenant sa iba ang lupa.
Kung may alitan tungkol sa karapatang manatili, mag-upa, at magsaka sa lupa- pwedeng lumapit sa Barangay Agrarian Reform Committee (BARC) o Municipal Agrarian Reform Officer (MARO) sa inyong lugar,
Ang MARO, sa tulong ng BARC, ang inaatasang resolusyonan ang disputes landlord at tenant sa mga ganitong sitwasyon.
May karapatan kayo dito.