Posibleng ang nangyaring ito ay double registration ng birth. Ayon naman sa Memorandum Circular 2019-23 ng PSA, sa kasong may double registration, ang naunang nairehistrong birth certificate ang magpeprevail. Iyon naman ang masusunod sa legal na name ng tao at sa mga detalyeng nakasaad doon.
Para naman mapatanggal ang 2nd registration, pwede itong ipacancel sa pagfile ng Petition sa korte para icancel ang late registered na birth certificate.
Maipapayong makipagugnayan sa inyong local civil registrar para malaman kung alin ba ang naunang naregister na birth certificate pero usually ito ay ang PSA copy. Kung sakaling ito na nga ang pangalan na ginagamit, pwedeng magfile ng petition sa korte para ipacancel ang pangalawang birth certificate.
Kung sakaling ang ginagamit naman nang matagal na panahon ay ang pangalawang naregister, pwedeng mamili kung gagamitin na lamang ang una at tamang pangalan or dumaan sa proseso ng pagbago ng pangalan. Kung magdesisyon na papalitan ang pangalan, kinakailangan na magsampa ng Petition for Change of Name sa ilalim ng Rule 103 ng Rules of Court para mapalitan ang pangalan sa birth certificate dahil ayon sa Article 376 ng Civil Code “No person can change his name or surname without judicial authority.” Ibig pong sabihin nito, ang anumang pagbabago sa mga entries sa civil register ay kailangang magkaroon muna ng judicial order or utos mula sa korte bago ito mabago.
Ayon naman sa mga desisyon ng Supreme Court, ang mga sumusunod ang valid na grounds para baguhin ang pangalan: (a) the name is ridiculous, dishonorable or extremely difficult to write or pronounce;
(b) the change results as a legal consequence of legitimation or adoption;
(c) when the change will avoid confusion;
(d) one has continuously used and been known since childhood by a Filipino name and was unaware of alien parentage;
(e) the change is based on a sincere desire to adopt a Filipino name to erase signs of former alienage, all in good faith and without prejudice to anybody; and
(f) when the surname causes embarrassment and there is no showing that the desired change of name was for a fraudulent purpose or that the change of name would prejudice public interest.