Sa Mobile Number Portability Act o R.A. No. 11202, ang mobile postpaid o prepaid subscribers ay pwedeng lumipat ng network habang rineretain ang existing cellphone number. Pwede ring mag-switch from postpaid to prepaid with the same number.
Ang layunin ng batas- maging malaya ang mga subscribers na pumili ng network na pinaka-okey para sa kanila, at siguraduhin na ang subscribers- nags-stay sa kanilang Telco dahil maayos ang service at rates- hindi dahil lang hassle magpalit ng number.
Dahil ‘yan ang intensyon- libreng gawin ito at walang extra fee.
Para gawin ito, kailangan lang lumapit sa inyong service provider, inquire about mobile number portability- at mag-request ng Unique Subscriber Code (o USC). Ito at ang Porting Application naman ang ibibigay ninyo sa preferred na bagong provider.
Kaya tandaan, if something is no longer working for you- malaya kang lumipat sa ibang mas kayang ibigay kung anong kailangan mo.
At least kaya mo ‘yan sa cellphone number.