Puwedeng hingin ang CCTV footage pero dapat compliant pa rin sa Data Privacy Act ang proseso ng pagkuha nito.
Ang Data Privacy Act (o DPA) ay batas na naglalayong protektahan ang privacy natin. Nagbibigay ito ng limitasyon sa paggamit ng ating personal information, kasama ang lahat ng impromasyong kaugnay at makakatukoy sa identidad natin.
In general, ipinagbabawal ng batas ang pag-proseso sa personal information ng isang tao- except kung may pahintulot niya, o kaya naman ay may lehitimo at legal na rason, kahit walang pahintulot ang taong tinutukoy.
Gayunman, ang National Privacy Commission (o NPC), ang ahensyang tagapamahala sa DPA, ay nag-issue na ng Guidelines on the Use of CCTV Systems para i-balanse ang pagsunod sa batas sa mga ganitong sitwasyon.
Sa Guidelines, malinaw na kinikilala bilang lehitimong rason ang pag-request ng CCTV footage “for purposes of the protection of lawful rights and interests or the establishment, exercise or defense of legal claims.”
Ibig sabihin- kung ang layunin ay para sa pagkakaso, puwedeng i-process ang personal information ng nasagap sa CCTV, kahit ‘di ito nagbigay ng pahintulot.
Proseso ng request for access
Sa Guidelines, required ang lahat ng operators ng CCTV na nakatutok sa pampublikong lugar na magkaroon ng CCTV Policy, kung saan dapat may procedure para sa mga request for access.
In general, kailangan mo lamang i-request ang footage, i-verify ang iyong identidad, at sabihin ang lehitimong layunin para sa iyong request.
Kung may basehan ang iyong request, puwedeng mag-comply ang operator ng CCTV sa pamamagitan ng pagpapakita ng mismong video o pagbibigay ng kopya nito.
Sa lahat ng sitwasyon, ang ipapakita o ibibigay na video ng CCTV operator ay dapat limitado lang sa kinakailangan, ayon sa layunin mo .
Kung ang purpose ay kumuha ng ebidensya sa pagnanakaw yo, dapat ang footage lang kaugnay nito ang ibibigay- at hindi sosobra dito.
Kahit ikaw ay may lehitimong rason para i-access ang insidente sa CCTV, may obligasyon pa rin silang protektahan ang personal information ng lahat ng ibang nasagap dito sa ibang panahon.
Para sa karagdagang impormasyon, maa-access ang Guidelines na nabanggit sa link na ito: https://www.privacy.gov.ph/wp-content/uploads/2020/11/Advisory-on-CCTV-16NOV2020-FINAL.pdf, at maaaaring sumangguni sa NPC info@privacy.gov.ph.