Sa ilalim ng Domestic Adoption Act (R.A. No. 8552), maaaring i-adopt ang isang person of legal age kung bago ang adoption, siya ay consistently na itinuring at tinrato bilang anak ng mga adopter simula pagkabata nito. Maaari namang mag-ampon ang Filipino citizen na may good moral character, hindi na-convict ng krimen involving moral turpitude, may emosyonal at sikolohikal na kapasidad na mangalaga, at at least sixteen (16) years na mas matanda sa aampunin.
Para sa mismong prosesong ng pag-ampon, kailangang dumulog sa Department of Social Welfare and Development (“DSWD,” ang ahensyang nangangasiwa rito), at sa tulong nila ay mag-sampa ng apropriyadong petisyon sa korte. Para gabayan ang korte sa pag-dedesisyon kung makabubuti ba ang pag-ampong hinihiling, kinakailangang gumawa ng DSWD ng isang Case Study Report tungkol sa kalagayan ng aampunin at mang-aampon. Bukod dito, magkakaroon rin ng “supervised trial custody,” kung saan oobserbahan ng korte kung kamusta ang buhay ng aampunin at mang-aampon nang magkasama.
Maaaring tingnan ang adoption program ng DSWD through this link: https://adoption.dswd.gov.ph/adoption/#:~:text=Under%20RA%208552%20or%20the%20Domestic%20Adoption%20Act,the%20Certification%20of%20the%20DSWD%20to%20declare%20a.
Para sa mas detalyadong pagsusuri sa inyong sitwasyon at gabay sa mga kinakailangang dokumento, maaari kayong sumangguni sa local Domestic Adoption Services office ng DSWD sa mga numerong matatagpuan sa sumusunod na link: https://adoption.dswd.gov.ph/field-offices/.