Kailangang magsampa ng complaint-affidavit sa prosecutor’s office ng lugar kung saan nangyari ang krimen. Dito magsisimula ang prosesong tinatawag na “preliminary investigation” kung saan titignan ng public prosecutor kung dapat bang isampa ang kaso sa korte.
Matapos mareceive ang reklamo, bibigyan ng pagkakataon ng prosecutor ang respondent na magpasa ng counter-affidavit upang depensahan ang sarili. Maaari naman pong sumagot ang complainant sa pamamagitan ng Reply-affidavit, at makakasagot naman ang respondent sa pamamagitan ng Rejoinder-affidavit. Saka susuriin ang mga ebidensiya ng dalawang panig at saka magdedesisyon ang prosecutor kung mayroon bang probable cause ibig sabihin ay may sapat bang batayan para magkaroon ng paniniwalang may krimen ngang naganap, at na malaki ang posibilidad na ang akusado ang responsible para rito. Kahit mag-file o hindi ng counter-affidavit ang respondent, maglalabas ng resolution ang prosecutor at dito niya sasabihin kung sa kanyang palagay ay mayroong probable cause upang kasuhan ang respondent sa korte or dapat idismiss ang reklamo. Ang resolusyon ay matatanggap ng complainant at respondent.
Kapag naman naisampa na ang kaso sa korte ay saka aaralin ng judge ang mga ebidensiya at affidavits ng mga witnesses na sinubmit sa prosecutor para personal na magdesisyon kung mayroon ngang probable cause laban sa akusado. Kung mayroon, saka maglalabas ng warrant of arrest ang korte laban sa akusado at saka lamang siya pwedeng hulihin at ikulong.