Paano babawiin ang property na ipinagkatiwala at ipinangalan pansamantala sa kamag-anak?
Sa ganitong sitwasyon, maituturing na may ugnayang “implied trust” na nabuo sa pagitan ng dalawang kampo.
Ayon sa Article 1448 ng ating Civil Code:
“Article 1448. There is an implied trust when property is sold, and the legal estate is granted to one party but the price is paid by another for the purpose of having the beneficial interest of the property. The former is the trustee, while the latter is the beneficiary.”
Article 1448 of the Civil Code
Ibig sabihin- kung ikaw ang nagbayad para sa property, at may kasunduang para sa’yo talaga ‘yon- at sa kanya lang ipapangalan, mayroong implied trust na kinikilala ang batas.
Sa mata ng batas- ikaw ang ang trustor o ang nagtiwala, at ang kapatid mo naman ang trustee o ang pinagkatiwalaan.
Naipaliwanag na ng Supreme Court sa maraming kaso na ang trustor- sa sitwasyong ito-ikaw- ay may karapatang bawiin ang property mula sa trustee sa sitwasyong itinatanggi niya ang naging kasunduan ninyo.
Magagawa ito sa pamamagitan ng pag-file sa korte ng angkop na kasong action for reconveyance, para mabawi ninyo at kilalaning kayo ang tunay na owner nito.
Sa kaso, pwedeng patunayan ang “implied trust” sa pamamagitan ng testimoniya ng mga taong may personal na kaalaman tungkol sa sitwasyon at kasunduan.
Mayroon kayong 10 years para isampa ang kaso- at ang 10 years ay binibilang mula sa panahon ng issuance ng maling titulo sa property na ito.
Minsan talaga- akala natin mapagkakatiwalaan natin ang mga tao, pero hindi pala.