Ang estate tax rate ay base sa batas na namamahala sa panahon ng pagpanaw (kung pumanaw bago January 1, 2018, iba ang batas na mamamahala).
Kung ang may-ari ng mga properties ay pumanaw mula noong January 1, 2018 hanggang sa kasalukuyan, ang estate tax rate ay ayon sa TRAIN Law. Ayon dito, ang imposed rate ay six percent (6%) of the value of the net estate (o kabuuang halaga ng naiwang mana) determined as of the time of death of decedent composed of all properties, real or personal, tangible or intangible less allowable deductions.
Kung ang may-ari ng mga properties ay pumanaw bago ang nasabing January 1, 2018, ang lumang batas ukol sa estate tax ang mamamahala sa estate tax rate nito.
Maaaring iba ang halaga ng estate tax para sa ibang pumanaw, dahil nagbabago ito depende sa: (1) applicable na batas sa panahon ng pagpanaw; at (2) availability ng amnesty.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa estate tax at mga rates nito, maaaring sumangguni sa sumusunod na web page ng Bureau of Internal Revenue: https://www.bir.gov.ph/index.php/tax-information/estate-tax.html