Ang paglipat ng ownership ng lupa ay itinuturing na conveyance o transfer, at para makakuha ng bagong titulo sa pangalan ng bagong owner, kailangang ipa-rehistro ang transaksyong ito sa Registry of Deeds sa lugar kung nasaan ang lupa.
Ang dokumento kung saan nakapaloob ang transfer ay tinatawag na “deed of conveyance,” at sa bentahan ng lupa, ang porma ng dokumentong ito ay karaniwang tinatawag na “deed of absolute sale.”
Kung kailangan ng form para sa deed of absolute sale, maaaring gamitin ang template na ito mula sa Land Registration Authority (o LRA): http://lra.gov.ph/wp-content/uploads/2022/10/TEMPLATE-DOAS.pdf.
Sa pag-rehistro ng deed of absolute sale, kailangan ring i-submit sa Registry of Deeds ang owner’s duplicate copy ng titulo (mula sa nagbenta) at mga dokumentong nagpapakita na bayad na ang mga angkop na buwis kaugnay sa bentahan at sa lupa (kasama ang capital gain’s tax at amilyar).
Kung nakumpleto na ang requirements, i-rereflect na sa records ng Registry of Deeds na kayo na ang bagong owner ng lupa, at mag-iissue ito ng titulo sa inyong pangalan.
Requirements para sa issuance ng titulo
Ayon sa Citizen’s Charter ng LRA, ito ang general checklist ng mga kakailanganin ng Registry of Deeds para sa Issuance of Certificate of Title sa inyong pangalan:
- a) Original Copy of Owners Duplicate Copy of Title
- b) Original Copy of Deed of Absolute Sale with BIR-eCAR printed/stamped
- c) Original Copy of BIR Certificate Authorizing Registration (“CAR”)
- d) Original Copy of Realty Tax Clearance (Land and Building if any)
- e) Certified Copy of Tax Declaration (Land and Building if any)
- f) Original Copy or Certified Copy of Transfer Tax Receipt/Clearance
- g) Original Copy of Affidavit of Publication
- h) Photocopy of the Presenters valid Identification Card
Maaari niyong kontakin ang lokal na Registry of Deeds kung saan naroon ang lupa, sa directory na ito: https://lra.gov.ph/registry-of-deeds/, para magabayan kayo sa proseso.