Kasunduan sa barangay, dapat tuparin!
Sa Local Government Code, malinaw na nakasaad —
“416. Effect of Amicable Settlement and Arbitration Award. — The amicable settlement and arbitration award shall have the force and effect of a final judgment of a court upon the expiration of ten (10) days from the date thereof…”
Local Government Code
Ibig sabihin- ang kasunduang pinirmahan niyo ay may parehong pwersa at epekto ng pinal na desisyon ng korte.
Kahit hindi kayo dumaan sa pormal na proseso ng pagkakaso, dahil sa batas natin sa Katarungang Pambarangay ay parang nanalo na rin kayo sa korte!
Ngayon, kung ayaw niya itong sundin- ang pwede ninyong gawin ay ang sumusunod:
Within 6 months pagkatapos ng kasunduan- Mag-file ng Motion to Execute the Amicable Settlement sa Lupon Chairman.
Available ang forms na ito sa inyong barangay. Basically, sinasabi nito na kahit meron na kayong kasunduan- ay hindi pa rin niya tinutupad ang obligasyon niya dito.
Maghe-hearing ang Lupon Chairman at ippapatawag ulit kayo. Aaralin nito ang posibilidad na boluntaryong tutuparin ang kasunduan.
Kung hindi pa rin talaga sumunod ang ka-alitan, mag-iissue ang Lupon Chairman ng Notice of Execution.
Sa Notice of Execution, iuutos ng Lupon Chairman na bayaran ang utang within 5 days.
Kung hindi pa rin nagbayad- ang Lupon Chairman ay kukuha ng personal property ng may utang, at ibebenta ito sa isang public auction
Ang makukuha sa pagbenta ay gagamitin bilang kabayaran sa inyo. Kung may sobra- ibabalik sa may utang.
Ngayon- mas mabuting gawin ito agad-agad dahil kung lumampas na ng 6 months mula sa date ng amicable settlement- ang prosesong ito ay ‘di na pwedeng dumaan sa Lupon Chairman, at kailangan na talagang mag-file ng kaso sa korte.
Kaya makipag-ugnayan agas sa inyong barangay- at mag-file ng Motion for Execution ng Amicable Settlement.