Una, maaari kayong lumapit sa barangay para doon pag-usapan ang isyu. Baka sa barangay pa lang ay maresolba na ang usapin.
Pangalawa, ang hindi tamang pagtatapon ng dumi ng aso ay paglabag ng Solid Waste Management Act. Puwedeng ilapit iyan sa sanitation officers, environmental officers o sa veterinary office sa inyong siyudad o munisipalidad.
Magtanong kayo sa inyong mga lokal na pamahalaan kung sino ang may hurisdiksiyon sa ganyang isyu at doon ilapit ang inyong problema.
Kung hindi lang kayo ang apektado sa baho at ingay ng alagang hayop ng inyong kapitbahay, mas mabuting magsama-sama kayong magreklamo. Sabi nga, there is strength in numbers.