Pwedeng ireklamo ang abusado o tiwaling pulis!
Ang Philippine National Police-Internal Affairs Service (o PNP-IAS) ang may responsibilidad na imbestigahan ang mga reklamo laban sa pulisya; mag-hearing sa administrative charges para ipa-suspende, demote, o dismiss ang may sala; at mag-file ng criminal charges kung nararapat base sa ebidensya.
In general- ang offenses ng pulis na pwedeng i-reklamo ay:
- a. Neglect of Duty;
- b. Irregularities in the Performance of Duty;
- c. Misconduct;
- d. Dishonesty;
- d. Conduct Unbecoming of a Police Officer;
- f. Incompetence;
- g. Oppression; at
- h. Disloyalty to the Government.
Kasama d’yan ang mga akto gaya ng rudeness to the public, failure to administer first aid kung may injured, pagmamaltrato, pananakit o pananakot na sasaktan, tampering of evidence, at pangungurakot para magbigay-pabor.
Ang trabaho ng pulis- to serve and protect the people, at siguraduhin na ang batas ay ipinapatupad para sa ikabubuti ng publiko.
Kung may lumabag sa tungkuling ‘yan, at sila pa mismo ang nananakit at nagsasamantala sa taumbayan- dapat lang na panagutin.
Para ireklamo ang abusado o tiwaling pulis- lumapit lang sa IAS Desk sa lokal na police station, o i-contact ang PNP-IAS sa 09177041143.