Kailangan mo ba ng valid ID, pero ang requirement ay valid ID rin? Ito ang tip para sa inyo!
Isa sa mga pinaka-madaling makuhang Valid ID ay ang Postal ID mula sa Philippine Post Office.
Para makakuha nito, pumunta lang sa Philpost office sa inyong lugar, at humingi at mag-fill out ng Application Form.
Ang requirements lang na isusubmit ay:
- Birth Certificate
- Proof of Address (tulad ng utility bills o Barangay Certificate of Residency).
Pagka-submit ng Application Form, requirements, at pagbayad ng Postal ID fee, hihintayin na lang na ipadala ang Postal ID sa inyong address. At meron ka nang Valid ID!
Kung may tanong, pwedeng i-contact ang Philpost sa:
Philippine Post Office
Phone: (02) – 8288-POST or (02) – 8288-7678
Email: phlpostcares@phlpost.gov.ph
Philippine Passport
Pag nakuha na ang Postal ID, pwede na ring mag-apply para sa Philippine Passport.
Ang requirements naman ay:
- Birth Certificate
- One (1) Valid ID lang — at tanggap dito ang Postal ID.
Para sa Philippine Passport application, pumunta lang sa https://www.passport.gov.ph para mag-schedule ng appointment at kung may tanong, pwedeng i-contact ang DFA Office of Consular Affairs sa:
DFA Office of Consular Affairs
Phone: (02)8234 – 3488, (02)8651 – 9400
Email: oca.concerns@dfa.gov.ph
Bukod d’yan, pwede rin kayong lumapit sa inyong Barangay government para alamin ang ang kanilang proseso para sa pagkuha ng Barangay ID.