Ayon sa RA 10172, ang batas na tumatalakay sa clerical errors at administratibong proseso para dito, “That no correction must involve the change of nationality, age, or status of the petitioner”. Sa ganang ito, kung birth year ang mali, ibig sabihin ay maaapektuhan ang age ng tao kaya hindi na ito saklaw ng clerical error na pwedeng administratibo ang pagpapalit.
Para macorrect ito, ayon sa Article 412 ng Civil Code “No entry in a civil register shall be changed or corrected, without a judicial order.” Ibig pong sabihin nito, ang anumang pagbabago sa mga entries sa civil register ay kailangang magkaroon muna ng judicial order or utos mula sa korte bago ito mabago.
Sa ganang ito, kailangan magsampa ng Petition for Correction of Entries under Rule 108 ng Rules of Court. Kailangan ito isampa sa Regional Trial Court ng lugar kung saan nakaregister ang birth certificate. Matapos lamang ng mga hearings at mapatunayan na talagang mali ang entry ay saka babaguhin ang birth certificate.