Ang pamemeke o falsification of public or official documents, gaya ng titulo ng lupa, ay pinaparusahan ng Revised Penal Code.
Applicable rito ang Article 172(1) ng RPC (“Falsification of a Public Document by a Private Person”).
In general, nagagawa ang ganitong krimen kung meron ang sumusunod:
- Ang may sala ay pribadong indibidwal (hindi public officer o employee);
- Ang may sala ay nameke o nag-falsify ng dokumento; at
- Ang dokumentong pineke ay public or official document.
Kasama sa itinuturing na falsification o pamemeke ng dokumento ang sumusunod na gawain:
- a) Pag-kopya ng sulat o pirma ng iba;
- b) Pag-mumukhang may partisipasyon ang ibang tao sa dokumento- kung wala naman;
- c) Pag-sabi ng kasinungalingan sa isang salaysay;
- d) Pag-iiba ng tamang petsa o date;
- e) Paglalagay ng anumang alteration o intercalation na binabago ang kahulugan ng dokumento
Sakop naman ng public o official documents ang lahat ng dokumentong notaryado ng Notary Public, at lahat in-issue ng public official at ahensya ng gobyerno ayon sa batas.
Kung pineke ang dokumento at iniba ito para pagmukhaing sila ang tunay na nakapangalan at may-ari ng lupa, malinaw rin na public document ito — opisyal na dokumento mula sa gobyerno ang titulo ng lupa.
Falsification
Sa kaso ng falsification, may presumption o pinapalagay ng batas na ang may hawak ng pinekeng dokumento ay mismong gumawa ng pamemeke.
Sa fasilifcation of public documents, hindi kailangang patunayan na may pinsalang nadulot sa ibang tao- ang pinaparusahan ng batas ay ang paninira sa tiwala ng publiko sa katotothanan ng mga ganitong sokumento.
Ngayon- sa sitwasyon ninyo, hindi lang falsification ang krimeng ginawa.
Malinaw na ginamit ang pekeng dokumento para manlinlang at makakuha ng pera mula sa inyo.
Dahil d’yan- applicable rin ang krimen ng Estafa sa Article 315 ng Revised Penal Code.
Ang pamemeke ng dokumento ay ginamit para maisahan kayo- at ang angkop na kaso sa ganitong sitwasyon ay “Estafa Through Falsification of Public Document.”
Ang parusang ipapataw ay iyong sa mas malalang krimen. Sa estafa- umaabot sa 20 years na pagkakakulong ang parusa, depende sa halaga ng perang nakuha.
Malaking problema talaga ito, at kalat ang ganyang gawain.
Kaya kung may anumang transaksyon kaugnay ng titulo ng lupa- mas mainam talagang i-check muna kung tunay at genuine ang dokumento, sa Registry of Deeds na nag-issue nito.