Ayon sa R.A. 9255 na inamyendahan ang ating Family Code at naging effective noong 2004, puwedeng gamitin ang apelyido ng tatay sa birth certificate:
“Article 176. Illegitimate children shall use the surname and shall be under the parental authority of their mother… However, illegitimate children may use the surname of their father if their filiation has been expressly recognized by the father through the record of birth appearing in the civil register, or when an admission in a public document or private handwritten instrument is made by the father.”
Article 176, Family Code of the Philippines
Ibig sabihin, ang anak ng magulang na ‘di kasal ay talagang apelyido ng nanay ang gagamitin bilang last name.
Pero kung kinikilala ng tatay ang anak at may dokumentong patunay dito;
May option ang anak na gamitin ang last name ng kanyang tatay, at ipabago ang birth certificate para i-reflect ito.
Kung walang isyu sa pagkilala ng tatay, pwede itong gawin sa simpleng administratibong proseso at hindi na kailangang dumaan sa korte.
Pumunta lang sa Local Civil Registry Office kung saan nakarehistro ang inyong birth certificate, at mag-file ng:
- a) Affidavit of Admission of Paternity, at
- b) Affidavit to Use the Surname of the Father
Pwede itong i-file ng:
- a) Tatay
- b) Nanay
- c) Guardian
- d) Anak mismo, kung nasa tamang edad na.