Alam niyo bang may discount sa bill ng kuryente para sa mga Pilipinong pinaka-nangangailangan? Share this Legal Lifehack dahil makakatulong ang impormasyon na to!
Base ito sa R.A. 11552 on “Extension of Lifeline Rate”, at may hanggang 100% discount depende sa paggamit ng kuryente kada buwan. Halimbawa, para sa Meralco, ito ang Lifeline Rates:
Basta hanggang 100kwh kada buwan ang paggamit ng kuryente, pasok sa discount!
Qualified sa benepisyong ito ang mga marginalized end-users, kasama ang mga:
- a. Benebisyaryo ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program, base sa talaan ng Department of Social Welfare and Development (o DSWD); at mga
- b. Nabubuhay below the poverty threshold, na sertipikado ng DSWD.
Para ma-avail ito- kailangan lang mag-rehistro sa provider ng kuryente.
Kung 4Ps beneficiary- ang general requirements na isusubmit ay:
- a. Application Form;
- b. Bill ng Kuryente; at
- c. Government ID na may pirma at address.
Kung di naman 4Ps beneficiary, pero below the poverty threshold- dagdag dito ang Certification mula sa local Social Welfare and Development Office patungkol dito.
Kaya sating 4Ps beneficiaries at sa mga nahihirapan ngayon- magrehistro na sa inyong electricity provider para ma-avail ang Lifeline Rate!