Ayon sa Section 45 ng Local Government Code, ang anumang permanent vacancy sa Sangguniang Barangay (halimbawa ay namatay o natanggal ang isang miyembro) na hindi mapupunan through succession (o ang pag-angat sa next higher position kapag may vacancy) ay pupunan sa pamamagitan ng pag-appoint ng city or municipal mayor upon recommendation of the Sangguniang Barangay.
Dahil sa nabanggit, hindi kinakailangan na ang kagawad na kasunod sa bilang ng mga nanalo ang ipalit.