Sa mga may planong mag-rent d’yan, ito ang ilang tips para sa inyo!
Para malinaw ang karapatan at obligasyon ng landlord at tenant, pinaka-okey na may written Contract of Lease.
Sa kontrata, ito ang mga importanteng suriin at pagkasunduan:
Una, ang mga basics, Pangalan at Contact Details ng landlord at tenant, Sakop ng Lugar na i-rerent, at Purpose ng pag-renta (halimbawa, para gamiting residence).
Pangalawa, Period- Gaano katagal ang lease? Ilang months ang kasunduan, o yearly ba ito?
Pangatlo, ang ibabayad. Rental Payment- Magkano ang renta, at tuwing kailan at paano ito dapat bayaran? May penalty ba kung late ang bayad? May Deposits bang hinihingi ang landlord? Saan ito gagamitin at ano ang conditions para maiibalik ito sa tenant? Utilities and Dues- kaninong responsibilidad ang pagbayad ng kuryente, tubig, at association dues? Kasama na ba ito sa upa?
Pang-apat, Improvements, Maintenance, and Repairs- Pwede bang i-improve ng tenant ang lugar (halimbawa, mag-pintura at mag-barena?) Anong klaseng repairs ang sagot ng landlord, at ano naman ang sagot ng tenant?
Pang-lima, mga pwedeng gawin ng landlord. Inspection- May karapatan ba siyang pasukin ang lugar, at may conditions o limitations ba ito? Non-Payment- Kung hindi makabayad ng renta, ano ang mga pwede at hindi pwedeng gawin ng landlord?
Panghuli, Termination and Renewal- Sa anong mga sitwasyon pwedeng itigil ang pagrerenta? Ano ang proseso sa pag-renew ng kontrata? Kung i-rerenew man, may kasunduan ba sa pagtaas ng upa?
Importanteng linawin at pagkasunduan ang points na ito, para makaiwas sa issue.