Sa karaniwang away-kapitbahay, syempre, mabuting pag-usupan muna. Pero kung di talaga magkasundo, pwede niyong gamitin ang Katarungang Pambarangay.
Makapangyarihan ang sistema ng Katarungang Pambarangay. In fact, ang mga kasunduan sa Barangay o Amicable Selttlement o Arbitration Award ay may epekto ng desisyon ng korte! Ibig sabihin- obligasyon ng kaaway na sundin ang nakapaloob dito.
Ito ang mga requirements:
- Pareho kayong indibidwal (hindi agency o kumpanya ang kaaway);
- Residente kayo ng parehong city o municipality; at
- Ang paksa ng away ay pasok sa jurisdiction ng barangay.
In general- pasok lahat ng dispute sa jurisdiction ng barangay justice
Ito lang ang mga kasong HINDI sakop ng Barangay:
- Reklamo sa ahensya ng gobyerno o trabaho ng opisyal;
- Krimen na may parusang pagkulong lagpas 1 year o multa lagpas P5,000.00;
- Kung ang akusado ay naka-detain na;
- Dispute sa real properties na nasa iba’t-ibang city o municipality; at
- Labor dispute mula sa employer-employee relations.
Kaya, kung may problema ka sa kapitbahay, ipa-Barangay na ‘Yan!