Hindi porke’t nasa public place, pede nang mag-practice ng freelance photography at mag-post ng pictures ng ibang tao online!
Ayon sa National Privacy Commission o “NPC”,
“[A} person’s data privacy rights to not cease even when one is in a public space.”
Dahil dito- ang pagkuha ng candid pictures nang walang pasabi, at pag-post nito online ay pwedeng ituring na “unauthorized processing” na pinagbabawalan ng Data Privacy Act.
Sa batas, pwede lang gamitin ng iba ang personal information natin (kasama ang pictures at videos), kung pumayag tayo, kung may sinusunod silang batas, o kung may lehitimo at justifiable reason para rito.
Ang mga taong nasa public place, alam naman talagang makikita sila ng iba sa labas.
PERO- ibang sitwasyon rin naman yung ipopost ka online nang hindi mo alam, at pwedeng tignan ng lahat ng may internet access, kahit kailan nila gusto!
Sa ganitong sitwasyon, ang kinuhanan at ipinost nang walang permiso ay may karapatang ipatake-down ang picture , at mag-file ng complaint sa NPC kung nararapat.
Para sa freelance photographers, best practice pa rin talagang kausapin ang inyong subject, ipaliwanag ang ginagawa at paano balak gamitin ang kuha, at hingin ang pahintulot nila sa gagawin.
Hindi lang ito para mag-comply sa batas, pero mas mahalaga- bilang respeto sa ibang tao.
Iba-iba ang comfort level natin pagdating sa privacy, at kahit maraming walang issue kung i-post sila online, meron ring mga ayaw nito.