Depende po ito sa sitwasyon. In general, bawal ito maliban na lamang kung sa isang private room nag-stay ang pasyente.
Ayon sa R.A. No. 9439 (An Act Prohibiting the Detention of Patients in Hospitals and Medical Clinics on Grounds of Non-payment of Hospital Bills or Medical Expenses ), illegal ang detention ng pasyente na “fully or partially recovered for reasons of non-payment, in part or in full, of hospital bills or medical expenses.”
Ang pasyenteng nais nang umalis sa ospital ay dapat payagan kahit hindi pa nakapagbayad ng buong hospital bills- basta ito ay makapag-execute ng promissory note para sa unsettled or unpaid bills.
“The promissory note shall be secured by either a mortgage or by a guarantee of a co-maker, who will be jointly and severally liable with the patient for the unpaid obligation.”
RA No. 9439
Ang promissory note ay nagsisilbing assurance na babayaran talaga ang unpaid bills sa ospital, kahit na lumabas na.
Ang sinumang officer o employee ng hospital or medical na lumabag dito- at mag-detain ang pasyente kahit may promissory note, ay maaaring parusahan ng pagkakakulong na not less than one (1) month, but not more than six (6) months, multa mula P20,000.00 hanggang P50,000.00, o pareho.
Private room
Ngunit hindi saklaw ng batas kung ang pasyente ay nag-stay sa private room.
Kung sa private room nag-stay ang pasyente, maaaring kausapin ang ospital na kayo ay mag-e-execute rin ng promissory note — para ipahiwatig ang commitment ninyong bayaran ang medical bills.
Kung ang sitwasyon po ninyo ay pasok naman sa batas at lumabag dito ang ospital, puwede itong i-report sa Health Facilities Oversight Board sa ilalim ng Health Facilities and Services Regulatory Bureau (HFSRB) ng Department of Health (DOH).
Maaaring sumangguni sa DOH Call Center sa sumusunod na contact details:
DOH Call Center
Telephone No: (632) 8651-7800 local 5003-5004
(632) 165-364
Email Address: callcenter@doh.gov.ph