Ayon sa Section 5 (b) ng Republic Act No. 7610, “children, whether male or female, who for money, profit, or any other consideration or due to the coercion or influence of any adult, syndicate or group, indulge in sexual intercourse or lascivious conduct, are deemed to be children exploited in prostitution and other sexual abuse.” Ang paglabag dito ay may kaukulang parusa na kulong, multa, o pareho. Ang elements ng krimen na ito ay:
(a) The accused commits the act of sexual intercourse or lascivious conduct;
(b) The said act is performed with a child exploited in prostitution or subjected to other sexual abuse; and
(c) The child, whether male or female, is below 18 years of age.
Sa mga desisyong inilabas ng Korte Suprema, kanilang sinabi na ang pakikipagtalik ng isang adult sa minor ay maituturing na paglabag ng nabanggit na batas. Sinabi ng Korte na “when a child indulges in sexual intercourse or any lascivious conduct due to the coercion or influence of any adult, the child is deemed to be a child exploited in prostitution and other sexual abuse and the consent of a minor is immaterial in cases involving a violation of Section 5, Article III of RA 7610.
Dahil sa nabanggit, hindi nagmamatter kung ang ginawa ay “sariling desisyon” ng minor dahil sa mata ng batas, walang kakayahang magbigay ng consent sa mga ganitong bagay ang wala pa sa legal age.
Bukod dito, posible rin itong masaklaw ng krimen ng seduction.
Maaari pong simple seduction kung:
(1) ang biktima ay over 16 years pero under 18 years old;
(2) ang biktima ay single or biyuda of good reputation (kilala sa community na babaeng hindi loose ang moralidad);
(3) nagkaroon ng sexual intercourse sa pagitan ng offender at biktima; at
(4) nagawa ang sexual intercourse sa pamamagitan ng deceit o panlilinlang.
Maaari rin pong qualified seduction na mas mataas ang parusang kulong kung:
(1) ang biktima ay virgin (presumed kung siya ay single and of good reputation);
(2) ang biktima ay over 16 years pero under 18 years old;
(3) nagkaroon ng sexual intercourse sa pagitan ng offender at biktima; at
(4) gumamit ang offender ng grave abuse of authority, confidence or relationship para magawa ito.
Para sa qualified seduction, ito ay pwedeng committed by any person in public authority, priest, home-servant, domestic, guardian, teacher, or any person who, in any capacity, shall be entrusted with the education or custody of the woman seduced.
Pwede rin pong masaklaw sa qualified seduction kung ang biktima ay sister or descendant ng offender, whether or not ang biktima ay virgin or over 18 years of age.
Pinapaalala lamang na kung ang babae ay under 16 years old, tinuturing na itong rape ayon na rin sa RA 11648.