Hindi ito pwede.
Ayon na rin kasi sa Family Code, kailangan na magkaroon ng court proceedings bago mapawalang-bisa ang kasal. Sa makatuwid, magsasampa ng kaso ang isa at makakatanggap naman ng notice ang asawa niya. Pareho silang dapat mag-participate sa mga hearings bago magkaroon ng hatol ang korte tungkol sa annulment or declaration of nullity ng kanilang marriage. Kaya hindi pwedeng hindi nalalaman ng isa sa kanila na napapawalang-bisa na pala ang kasal sa korte.