Una, pag-usapan natin kung ano ang FDA.
Ang FDA ay ang Food and Drug Administration – ang ahensya ng gobyernong inaatasang siguraduhin na safe at effective ang ating pagkain, dietary supplements, medisina, health products, at pati na ang cosmetics.
Kasama sa cosmetics na regulated ng FDA ang kahit anong:
“substance or preparation intended to be placed in contact with the various external parts of the human body… with a view exclusively or mainly to cleaning them, perfuming them, changing their appearance… and/or protecting the body or keeping them in good condition.”
Ngayon, bago magbenta ng kahit anong cosmetics ay dapat muna itong ipa-rehistro sa FDA.
Ito ay dahil kailangang aralin kung ano nga ba ang laman nito- at kung ligtas ba talagang gamitin ng publiko.
Kung ‘di alam ng FDA- hindi tayo sigurado kung anong pwedeng mangyayari kung gamitin ito, lalo na sa mukha – sayang naman ang skin mo!
Bukod d’yan, ang pagbenta ng cosmetics nang hindi rehistrado sa FDA ay violation ng Food and Drug Administration (FDA) Act (o R.A. 9711) –
At may parusang kulong hanggang 10 years o multa hanggang P500,000.00, o pareho.
Para safe, pwedeng i-check kung FDA-registered ang product sa link na ito: https://verification.fda.gov.ph.