Dapat alamin kung ano nga ba ang pinag-uusapan sa pagbenta ng “rights lang.”
Dahil ang pag-larawan sa binebenta ay “rights lang,” may posibilidad na hindi ownership o pagmamay-ari ng lupa ang pinag-uusapan, at hindi recognized owner ng lupa ang nagbebenta.
Responsibilidad ng bawat bumibili ng real property na alamin ang basehan ng karapatan ng nagbebenta, at busisiin ang titulo nito. Dapat alam ng buyer ang buong detalye sa lupang bibilhin.
Kung ang pag-uusapan ay ownership o pagmamay-ari ng mismong lupa, importanteng malaman kung sino nga ba talaga ang owner ng lupa- Dahil ang tunay na may-ari lamang ang may kapangyarihang ilipat ang ownership nito sa inyo.
Ang pinaka-malakas na patunay ng pagmamay-ari ng lupa ay ang titulo o certificate of title.
Para makita ang titulo ng lupa, maaaring sumangguni sa lokal na Register of Deeds, na siyang tagapamahala ng rehistrasyon ng mga titulo ng lupa. Mahahanap ang mga lokal na opisina nila sa link na ito: https://www.lra.gov.ph/168-rd.html.
Sa pamamagitan nito, maaaring ma-check ang status ng lupa, kasama na kung:
- totoo bang ito ay private property na maaaring ibenta;
- sino ang rehistradong owner; at
- may iba bang may karapatan sa lupa bukod sa taong nagbebenta sa inyo.
Okey ring puntahan at i-check ang mismong property- kung may nakatira na iba sa nagbebenta, baka may issue pa sa kung sino ang may karapatan dito .
Ang pag-bubusisi sa buong detalye ay napakahalaga dahil kung hindi ito gawin, puwedeng malagay sa panganib ang karapatan niyo sa lupa.
Hailmbawa na lang, kung kalaunan ay may ibang mag-presenta bilang tunay na owner at sila ay may titulo o iba pang ebidensya – puwedeng mawala sa inyo ang lupa.
Bago pasukin ang transaksyon, alamin kung ano ba ang rights ng nagbebenta, at kung totoo bang may basehan ang rights na ito.