Bawal iyan!
Malinaw na nakasaad sa Article 116 ng Labor Code:
“Article 116. Withholding of Wages and Kickbacks Prohibited.— It shall be unlawful for any person, directly or indirectly, to withhold any amount from the wages of a worker or induce him to give up any part of his wages by force, stealth, intimidation, threat or by any other means whatsoever without the worker’s consent.”
Labor Code
Ibig sabihin, hindi pwedeng hindi ibigay ang buong sweldo, na obligasyong gawin sa regular at tamang panahon. Ito ay bukod na lamang kung payag ang empleyado.
Bukod d’yan, bawal bawasan ang anumang sweldo o benefits na regular na natatanggap ng empleyado. Ayon sa Article 116 ng batas:
“Article 100. Prohibition against Elimination or Diminution of Benefits. — Nothing in this Book shall be construed to eliminate or in any way diminish supplements, or other employee benefits being enjoyed at the time of promulgation of this Code.”
Labor Code
Hindi pwedeng biglaang magdedesisyong bawasan ang sweldo- o mas Malala hindi ibigay ng buo!
Ang tanging sitwasyon kung kailan pwedeng mag-withhold ng sahod ang employer ay kung may insurance na binabayaran ang empleyado sa kanya; kung para ito sa union dues; at kung may regulasyon ang Department of Labor and Employment o batas na pinapayagan ang gawaing ito (halimbawa na lang- deduction para sa SSS, Pag-IBIG, o PhilHealth).
Kung wala sa exceptions na nasabi ang pag-withhold ng sweldo- at tulad ng sa tanong, dahil nagalit lang- klarong illegal ang gawaing ito.
Pwede itong i-reklamo sa DOLE.
Lumapit lang sa DOLE Regional Office sa inyong lugar, at ang directory nila ay makikita dito: https://www.dole.gov.ph/key-officials/.
Pwede ring tumawag sa DOLE Hotline 1349.