Ayon sa Data Privacy Act o RA 10173, meron tayong karapatan na maprotektahan ang ating personal na impormasyon at masiguradong alam natin ang layunin sa paggamit nito, ang paggamit ay para lamang sa lehitimong layunin, at ang impormasyong gagamitin ay siya lamang kinakailangan para sa napahiwatig na layunin.
Sa pangkalahatan, maaari lamang kolektahin o gamitin ang personal na impormasyon (kasama dito ang pictures at video) ng isang tao kung siya ay nagbigay ng nakasulat na pahintulot (halimbawa, sa pamamagitan ng paglagda ng isang consent form). Kung walang nakasulat na pahintulot, at pinagkalat ang iyong personal information or sensitive personal information, maaaring makasuhan ang may gawa ng violation ng Data Privacy Act. Mayroon itong karampatang parusang kulong o/at multa.
Sa kaso ng bogus buyers, kahit may kasalanan sila sa ilalim ng batas ay hindi pa rin tamang ipost sila online. May tamang proseso sa paghabol sa mga nasabing bogus buyers na ayon sa batas.