Hindi ito pwede.
Ayon sa ating Civil Code, para maging valid ang isang will, kinakailangan nitong sumunod sa format na nasasaad sa Civil Code.
Pwedeng holographic or notarial will ang format na susundin.
Ang holographic will ay dapat sulat-kamay, nilagyan ng petsa, at pinirmahan ng testator. Walang ibang form na kailangan at maaaring gawin kahit sa labas ng Pilipinas at hindi kailangan ng witnesses. Hindi ito kailangan na notarized.
Ang notarial will naman ay dapat in writing at nasa language na alam ng testator. Pwede itong printed. Kailangan itong pirmahan ng testator sa dulo. Kailangan itong attested at subscribed ng 3 o higit pang witnesses sa harap ng isa’t isa at ng testator. Kailangan din itong pirmado ng testator at lahat ng witnesses sa bawat page sa left margin, at lahat ng pages ay dapat numbered correlatively in letters placed on the upper part of each page. Mayroon din dapat itong attestation clause kung saan nakalagay: (1) kung ilang pages ang nagamit para sa will; (2) na ang testator ang pumirma sa will at sa bawat page nito sa harap ng mga witnesses; (3) na ang mga witnesses ay nakita ang pagpirma ng testator at pumirma ang mga ito sa will at sa lahat ng pages nito sa harap ng isa’t isa at ng testator. Kailangan na notaryado ang will na ito.
Kung wala sa dalawang klaseng format ng will ang huling habilin ng yumao ukol sa mga ari-arian niya, hindi valid ang will at susundin ang batas ukol sa pagmana na nasa Civil Code din.