Ang probationary employee ay maaari lamang pong i-terminate ng employer kung hindi ito nag-qualify sa standards na ipinaalam sa probationary employee sa simula pa lamang ng probationary employment nito, o kaya naman ay dahil sa mga “just causes.” Ang “just causes” na maituturing na sapat na rason na i-dismiss ang empleyado ay:
- Serious misconduct or willful disobedience by the employee of the lawful orders of his employer or representative in connection with his work;
- Gross and habitual neglect by the employee of his duties;
- Fraud or willful breach by the employee of the trust reposed in him by his employer or duly authorized representative;
- Commission of a crime or offense by the employee against the person of his employer or any immediate member of his family or his duly authorized representatives; at
- Other causes analogous to the foregoing.
Para sa proseso sa pagtanggal sa empleyado, kinakailangang:
- Ang employee ay nasabihan o nabigyan ng notice ng anumang mga inaakusa sa kanya na magbibigay ng dahilan para sa employer na tanggalin ang employee. Ito ay dapat may nakadetalyeng salaysay ng mga facts na may kinalaman sa inaakusa sa employee, at dapat may direktibang bigyan ang employee ng pagkakataon na madinig ang kanyang panig, maging ito man ay in writing (sa pamamagitan ng sulat o salaysay) o di kaya naman ay sa pamamagitan ng hearings (pagdinig). Dapat ay bibigyan din ang employee ng sapat na panahon para masagot ang mga paratang laban sa kanya. Ito ang unang notice;
- Ang employee ay dapat mabigyan ng sapat na panahon at pagkakataon para madinig ang panig niya at mapagtanggol ang sarili mula sa mga paratang laban sa kanya; at
- Ang employee ay dapat mabigyan ng notice na sinasabing ang lahat ng circumstances na tungkol sa paratang sa employee ay na-consider ng employer at ang anumang grounds o basehan ng pagtanggal sa employee. Ito naman ang second notice.
Kung mapatunayang illegally dismissed ang employee dahil hindi valid ang dahilan or walang just or authorized cause para sa pagtanggal sa kanya, ang pwedeng igrant sa kanya ay:
- Backwages; at
- Reinstatement or Separation pay kung hindi na pwede ang reinstatement dahil sa strained relations ng employee at employer.
Kung ang employee ay illegally dismissed at humiling kayo ng reinstatement, or kung ang money claims ninyo ay lagpas sa P5,000.00, maaaring magsampa ng reklamo sa National Labor Relations Commission (NLRC) tungkol dito. Ang proseso pong ito ay masisimulan sa pamamagitan ng request for assistance para sa Single Entry Approach (SEnA) sa kaukulang regional arbitration branch ng NLRC na may sakop sa lugar ng inyong employer. Kung sakop naman ng NCR ang inyong employer, maaari kayong magfile online ayon sa nakasaad sa sumusunod na link: https://nlrc.dole.gov.ph/Node/view/TlYwMDAxOA.
Kung hindi naman humiling ng reinstatement at ang money claims naman ninyo ay hindi lalagpas sa P5,000.00, ang reklamo ay dapat isampa sa Regional Director ng DOLE regional office na may sakop sa inyong office. Pwede rin pong gawin online ang pagreklamo sa link na ito: https://sena.dole.gov.ph/.
Para sa mas masusing gabay ukol dito, maaaring sumangguni sa DOLE hotline 1349, o tawagan ang angkop na DOLE Regional Office sa inyong lokasyon sa mga numerong makkita sa sumusunod na link: http://ble.dole.gov.ph/index.php/contactusmenu/115-dole-regional-offices.