Sa ilalim ng batas, ang mga kumpanya ay binibigyan ng prerogative na disiplinahin ang kanilang mga employees nang naaayon sa kanilang judgment ng sitwasyon. Ang ilan sa mga disciplinary measures na maaaring ipataw sa mga empleyado ay ang suspension, transfer of employment, at ang pagdismiss sa empleyado. Gayunpaman, upang maging valid ang pag-implement ng nasabing disciplinary actions, dapat dumaan sa tamang proseso.
Para sa pagdisiplina sa empleyado, kinakailangang:
- Ang employee ay nasabihan o nabigyan ng notice ng anumang mga inaakusa sa kanya na magbibigay ng dahilan para sa employer na disiplinahin ang employee. Ito ay dapat may nakadetalyeng salaysay ng mga facts na may kinalaman sa inaakusa sa employee, at dapat may direktibang bigyan ang employee ng pagkakataon na madinig ang kanyang panig, maging ito man ay in writing (sa pamamagitan ng sulat o salaysay) o di kaya naman ay sa pamamagitan ng hearings (pagdinig). Dapat ay bibigyan din ang employee ng sapat na panahon para masagot ang mga paratang laban sa kanya. Ito ang unang notice;
- Ang employee ay dapat mabigyan ng sapat na panahon at pagkakataon para madinig ang panig niya at mapagtanggol ang sarili mula sa mga paratang laban sa kanya; at
- Ang employee ay dapat mabigyan ng notice na sinasabing ang lahat ng circumstances na tungkol sa paratang sa employee ay na-consider ng employer at ang anumang grounds o basehan ng pagdisiplina sa employee. Ito naman ang second notice.
Kung hindi nasunod ang nabanggit na proseso, masasabing illega ang pagdisiplina sa employee at pwede siyang dumulog sa kinauukulan para maitama ang pagkakamali.
Kung mapatunayang illegally suspended ang employee, pwedeng mahatulan ang employer na bayaran ang sweldo ng employee noong panahon na suspended siya.
Kung ang money claims ay lagpas sa P5,000.00, maaaring magsampa ng reklamo sa National Labor Relations Commission (NLRC) tungkol dito. Ang proseso pong ito ay masisimulan sa pamamagitan ng request for assistance para sa Single Entry Approach (SEnA) sa kaukulang regional arbitration branch ng NLRC na may sakop sa lugar ng inyong employer. Kung sakop naman ng NCR ang inyong employer, maaari kayong magfile online ayon sa nakasaad sa sumusunod na link: https://nlrc.dole.gov.ph/Node/view/TlYwMDAxOA.
Kung hindi naman lalagpas sa P5,000.00, ang reklamo ay dapat isampa sa Regional Director ng DOLE regional office na may sakop sa inyong office. Pwede rin pong gawin online ang pagreklamo sa link na ito: https://sena.dole.gov.ph/.
Para sa mas masusing gabay ukol dito, maaaring sumangguni sa DOLE hotline 1349, o tawagan ang angkop na DOLE Regional Office sa inyong lokasyon sa mga numerong makkita sa sumusunod na link: http://ble.dole.gov.ph/index.php/contactusmenu/115-dole-regional-offices.
Pag Po b awol daw Wala n Po tlga mkukuha?