Ayon sa Section 28 ng R.A. No. 7279 o ang Urban Development and Housing Act, ang eviction o demolition ay pinapayagan lamang sa mga sumusunod na sitwasyon:
(a) Kapag ang mga tao ay nakatira sa danger areas tulad ng mga estero, railroad tracks, garbage dumps, riverbanks, shorelines, waterways, at ibang public places tulad ng sidewalks, roads, parks, at playgrounds;
(b) Kapag magpapatupad ng mga government infrastructure projects na mayroong available funding; o
(c) Kapag mayroong court order para sa eviction o demolition.
Sa pagpapatupad ng eviction o demolition order na may apektadong mga underprivileged at homeless citizens, ang mga sumusunod na patakaran ay mandatory at kailangang sundin:
(1) Notice o abiso sa mga apektadong partido at least 30 days bago ang araw ng eviction o demolition;
(2) Sapat na consultations sa isyu ng resettlement kasama ang mga kinatawan ng mga pamilyang apektado ng eviction at ang mga kinatawan ng mga komunidad sa lugar ng resettlement;
(3) Presence ng local government officials o kanilang mga kinatawan habang eviction o demolition;
(4) Proper identification ng lahat ng taong makikilahok sa demolition;
(5) Ang pagpapatupad ng eviction o demolition habang regular office hours lamang ng Monday to Friday and habang maganda ang panahon, maliban na lamang kung ang mga apektado pamilya ay pumayag sa ibang patakaran;
(6) Walang paggamit ng heavy equipment para sa demolition maliban lamang sa mga permanenteng structure na gawa sa concrete materials;
(7) Maayos dapat na naka-uniporme ang mga miyembro ng the Philippine National Police na nasa first line ng law enforcement at malinaw dapat nilang obserbahan ang proper disturbance control procedures; at
(8) Sapat na relocation, kahit temporary or permanent. Sa mga sitwasyon ng eviction at demolisyon ayon sa court order na may apektadong mga underprivileged at homeless citizens, ang relocation ay responsibilidad ng local government unit (“LGU”) at ng National Housing Authority (“NHA”) sa tulong ng ibang mga ahensya ng gobyerno sa loob ng 45 days mula sa service ng notice ng final judgment ng korte, kung saan ang order ay maaari nang ipatupad paglipas ng panahong iyon. Kung ang relocation ay hindi posible sa loob ng nasabing panahon, ang LGU ay dapat magbigay sa mga apektadong pamilya ng financial assistance sa halagang katumbas ng minimum daily wage para sa 60 na araw.
Ayon naman sa Section 29, pagdating sa relocation at resettlement, ang LGU at NHA, ay dapat magbigay ng relocation o resettlement site na may basic services at facilities, at access sa sapat na trabaho para matugunan ang mga pangangailangan ng mga apektadong pamilya.
Mainam tandaan na hindi maaaring paalisin sa kinalalagyan kung hindi nasunod ang mga patakaran sa batas na nakasaad sa itaas.
Kung sakaling hindi sumunod ang mga awtoridad sa mga nabanggit, maaari kayong sumangguni sa Free Legal Assistance Group (FLAG). Idetalye lamang ang tulong na kailangan at isend sa: flag.metromanila@gmail.com.