In general, hindi dapat binabawasan ang sweldo ng employee nang walang pahintulot nito.
Ayon sa Article 113 ng Labor Code, no employer, in his own behalf or in behalf of any person, shall make any deduction from the wages of his employees, except:
- In cases where the worker is insured with his consent by the employer, and the deduction is to recompense the employer for the amount paid by him as premium on the insurance;
- For union dues, in cases where the right of the worker or his union to check-off has been recognized by the employer or authorized in writing by the individual worker concerned; and
- In cases where the employer is authorized by law or regulations issued by the Secretary of Labor and Employment.
Ayon naman sa Rule VIII, Section 10, ng Implementing Rules and Regulations ng Labor Code, isang pagkakataon na pinapayagan ang wage deductions ay kung ito ay mayroong written authorization of the employees for payment to the employer or a third person and the employer agrees to do so, provided that the latter does not receive any pecuniary benefit, directly or indirectly, from the transaction.
Bukod dito, ang nabanggit na patakaran ay maaaring labag sa pagbibigay ng statutory minimum wage ayon sa R.A. No. 6727 at ang Implementing Rules and Regulations nito. Kung ang sweldo ay binibigay para sa isang fixed period (halimbawa, kada arawa o kada buwan), ang minimum wage para sa isang regular 8-hour workday ay hindi dapat bababa sa minimum daily wage na itinalaga ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board. Kung ang sweldo ay binibigay ayon sa resulta ng trabaho, the worker shall receive at least the prescribed minimum wage for 8 hours of work. The amount may be increased or reduced proportionately if work is rendered for more or less than 8 hours a day.
Kung hindi tumugon ang employer sa mga nabanggit, maaaring magreklamo sa kinauukulan.
Kung ang money claims ninyo ay lagpas sa P5,000.00, maaaring magsampa ng reklamo sa National Labor Relations Commission (NLRC) tungkol dito. Ang proseso pong ito ay masisimulan sa pamamagitan ng request for assistance para sa Single Entry Approach (SEnA) sa kaukulang regional arbitration branch ng NLRC na may sakop sa lugar ng inyong employer. Kung sakop naman ng NCR ang inyong employer, maaari kayong magfile online ayon sa nakasaad sa sumusunod na link: https://nlrc.dole.gov.ph/Node/view/TlYwMDAxOA.
Kung hindi naman lalagpas sa P5,000.00, ang reklamo ay dapat isampa sa Regional Director ng DOLE regional office na may sakop sa inyong office. Pwede rin pong gawin online ang pagreklamo sa link na ito: https://sena.dole.gov.ph/.
Para sa mas masusing gabay ukol dito, maaaring sumangguni sa DOLE hotline 1349, o tawagan ang angkop na DOLE Regional Office sa inyong lokasyon sa mga numerong makkita sa sumusunod na link: http://ble.dole.gov.ph/index.php/contactusmenu/115-dole-regional-offices.