Pwede po. Ayon sa Article 370 ng ating Civil Code, at dinagdagan pa ng Supreme Court, ang isang babaeng kinasal ay maaaring gamitin ang alinman sa mga sumusunod:
(1) Ang kanyang buong pangalan sa pagkadalaga at idagdag ang apelyido ng kanyang asawa(Her maiden first name and surname and add her husband’s surname);
(2) Ang kanyang first name at ang apelyido ng asawa (Her maiden first name and her husband’s surname);
(3) Ang buong pangalan ng kanyang asawa at magdagdag ng prefix para mapakitang asawa siya kagaya ng “Mrs.”(Her husband’s full name, but prefixing a word indicating that she is his wife, such as “Mrs.”); or
(4) ang kanyang buong pangalan, kasama ang kanyang apelyido, sa pagkadalaga.