Hindi automatic na depensa ang katotohanan ng mga statements pagdating sa cyber libel, libel, or slander (paninirang puri gamit ang binigkas na salita). Kailangan po, ayon sa Article 361 ng Revised Penal Code, na:
(1) Ang act or omission na nabanggit sa statement ninyo constitutes a crime or nagpapakita na krimen ang ginawa ng tinutukoy sa statement or ito ay tumutukoy sa act or omission ng isang public officer, kahit hindi constituting a crime, pero tungkol sa pagdischarge niya ng kanyang mga duties bilang public officer;
(2) Kailangang mapatunayan na ang motibo sa pagsabi ng statement ay maganda; at
(3) May justifiable na dahilan sa pagsabi ng statement na ito.