Hindi po, ayon sa Article 87 ng Labor Code, ang overtime work beyond eight (8) hours sa isang araw ay dapat mayroong additional compensation equivalent to regular hourly rate plus at least twenty-five percent (25%). Kung overtime naman sa holiday or rest day, ang additional compensation ay equivalent sa regular hourly rate para sa holiday or rest day plus at least thirty percent (30%).
Ang tanging exceptions sa pagbabayad ng overtime pay ay kung ang empleyado ay:
- government employee;
- managerial employee;
- field personnel;
- member of the family of the employer who is dependent on him for support;
- domestic helpers;
- person in the personal service of another; at
- workers who are paid by results.
Kung hindi tumupad dito ang employer, ang reklamo ay dapat isampa sa Regional Director ng DOLE regional office na may sakop sa inyong office. Pwede rin pong gawin online ang pagreklamo sa link na ito:
Para sa mas masusing gabay ukol dito, maaaring sumangguni sa DOLE hotline 1349, o tawagan ang angkop na DOLE Regional Office sa inyong lokasyon sa mga numerong makkita sa sumusunod na link:
http://ble.dole.gov.ph/index.php/contactusmenu/115-dole-regional-offices