Sa pangakalahatan, ayon sa R.A. No.6727 o Wage Rationalization Act, ang mga employer ay dapat magbayad ng minimum wage sa mga empleyado nito. Gayunman, may mga exceptions dito.
Sa palatuntunin na in-issue ng National Wages and Productivity Commission (NWCP), exempted sa requirement ang:
- distressed establishments;
- new business enterprises (NBEs);
- retail/service establishments employing not more than ten (10) workers; at
- establishments adversely affected by natural calamities (Sec. 2, NWPC Guidelines No. 2, s. 2007)
Base sa salaysay, maaaring sabihing puwedeng exempted ang nasabing employer dahil less than 6 employees lamang ang meron.
Gayunman, ang exemption ay hindi automatic. Ang owner ng establishment ay dapat mag-file ng application for exemption at supporting documents, sa apropriyadong Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Board na siyang magdedesisyon kung naaangkop ang exemption.
Ang isang barangay micro business enterprise (BMBE) ay maaaari ring humingi ng exemption mula sa pagbabayad ng minimum wage (Sec. 8, R.A. No. 9178). Ang BMBE ay isang business entity engaged in the production, processing or manufacturing of products or commodities, , whose total assets including those arising from loans but exclusive of the land on which the particular business entity’s office, plant and equipment are situated, shall not be more than Three Million Pesos (P3,000,000). Gayon rin, kailangang ng employer mag-register sa Office of the Treasurer sa lokal na pamahalaan at mag-secure ng Certificate of Authority para sa exemption.
Kung wala ang mga requirements sa taas para sa exemption, maaaari itong i-reklamo sa 24/7 Hotline ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa numerong 1349. Maaari ring ma-contact ang mga lokal na DOLE office sa sumusunod na link:
http://ble.dole.gov.ph/index.php/contactusmenu/115-dole-regional-offices