Hindi po. Kung ipagpapalagay na ang pinag-uusapan ay ang pagdalo sa pagpupulong ng Lupong Tagapamayapa sa barangay, ayon sa Section 415 ng Local Government Code ay dapat mismong taong sangkot o complainant ang dapat humarap rito (nang walang abogado o representative), maliban nalamang kung ang sangkot ay minor-de-edad.
Kung hindi magpakita ang isang taong ipinatawag ng Lupong Tagapamayapa sa pamamagitan ng summons, ang pinuno ng lupon ay maaaaring humingi ng tulong mula sa korte at mag-file ng kasong “indirect contempt” laban sa hindi sumunod. Bukod pa rito, kung hindi magpakita ang inirereklamo, hindi siya maaaring mag-file ng counterclaim o reklamo laban sa kabilang partido.