Hindi ito pwede.
Una sa lahat, ang mga anak ng nasabing yumaong magulang ay maituturing na mga tagapagmana at tinuturing ng batas na co-owners sa property na naiwan ng kanilang magulang. Bilang co-owners, ang desisyon sa pagbenta ng buong property ay nasa kanilang lahat at hindi lamang sa iisa sa kanila. Sa madaling salita, kailangan sumang-ayon lahat ng tagapagmana nang sa ganoon ay maibenta ang property.
Kung magkakasundo ang lahat ng tagapagmana, pwede kayong mag-execute ng extrajudicial settlement of estate ng yumao kung: (1) walang will ang yumao; (2) wala siyang utang; at (3) lahat ng mga tagapagmana ay kasali sa nasabing dokumento. Mayroon pong karampatang estate taxes para dito na (6%) based on the value of such NET ESTATE determined as of the time of death of decedent composed of all properties, real or personal, tangible or intangible less allowable deductions.
Dito nakasaad ang pangalan ng lahat ng tagapagmana at ang kani-kanilang parte sa mana. Kailangan itong iparegister sa Registry of Deeds at kailangan din pong magbayad ng bond para dito. Kalaunan ay kailangan din ipublish ang nasabing Extrajudicial Settlement once a week sa susunod na 3 weeks.
Kung hindi naman magkasundo, kahit sinong tagapagmana ay pwedeng magsampa ng civil case for Partition para hilingin sa korte na hatiin ang property. Kung hindi practical na hatiin ang property, maaaring iutos ng korte na ibenta ang property at ang pinagbentahan ang paghahatian ng mga tagapagmana.