Ayon sa Labor Advisory 03-21, hindi pwedeng irequire ng mga employers ang kanilang employees na magpabakuna laban sa Covid-19. Pwede lamang nilang i-encourage ang kanilang mga employees na gawin ito. Ayon na rin sa nasabing Labor Advisory “Any employee who refuses or fails to be vaccinated shall not be discriminated against in terms of tenure, promotion, training, pay, and other benefits, among others, or terminated from employment.” Mahigpit na pinagbabawal din ng nasabing Labor Advisory ang “No vaccine, no work” policy.