Hindi ito pwede. Karapatan ng bawat magulang na makita at makasama ang kanyang anak, specially para sa magulang na walang custody sa bata. Visitation rights ang tawag dito.
Maipapayo namin na pag-usapan mabuti ng mga magulang ng bata ang tungkol sa kaukulang visitation rights ng magulang na hindi mabibigyan ng custody niya. Kung magkasundo po, mainam na gumawa ng kasulatan ukol dito at ipanotaryo ito. Maaari itong idulog sa Lupong Tagapamayapa ng barangay kung saan kasalukuyan naninirahan ang bata.
Kung hindi magkasundo, pwede pong magsampa ng petition sa family court kung saan nakatira ang bata ang magulang para hilingin sa korte na gawing opisyal ang visitation rights niya.