Hindi ito pwede. Ayon sa Data Privacy Act of 2012, lahat tayo ay mayroong “right to access” sa kanilang personal information. Dahil sa karapatang ito, maaaring hingin o idemand mula sa testing center o sinumang nagpasinaya ng inyong Covid-19 test ang impormasyong hawak nila tungkol sa inyo, tulad ng inyong Covid-19 test result. Maaari ninyong i-enforce ang karapatang ito sa pamamagitan ng pagsulat sa Data Protection Officer ng kumpanya kung meron sila nito. Kung wala, pwede ninyong sulatan ang management. Sa iyong sulat, banggitin na ang request ninyo ay naka-base sa iyong mga karapatan sa ilalim ng Data Privacy Act. May legal obligation silang sagutin kayo, kung hindi man, ay maaari silang i-report sa National Privacy Commission (NPC) sa numerong 8234-2228 (gamitin ang Local 114), o ipadala ang iyong salaysay sa complaints@privacy.gov.ph.